Ika dalawamput' dalawang kaarawan.
Wala kang ibang kasama kundi ang kumot at ang yung unan.
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Kahit ni piso eh wala.
Isang pakete ng kape ay pilit mo pinagkakasya para mainitan ang iyong sikmura.
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Gusto mong lumabas, pero takot ka.
Takot ka dahil alam mong walang wala ka.
Marami na ang nagtatanong kung sa'n ka.
Pero gusto mo lang mapag-isa.
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Nagbabasa ka ng mga mensahe, mga bati para sa iyong kaarawan.
Bakit may kulang? Wag mo ng ipangarap, sa hangin nalang.
Gusto mong kumain. Pero hindi ka makakain.
Gusto mong tumawa pero iiyak ka.
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Nagbalak kang mag makaawa sa iba, para lang maka delihensya.
Pero mas pinili mo pang mag mukmok sa tabi ng iyong kama.
Halos namumutla ka na dahil wala ka ng makain.
Sagot mo lang sa sarili mo: "ok lang yan, wag na muna nating isipin"
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Marami ng taong nais ipaghanda ang kaarawan mo.
Ang bobo mo nga lang ba't ka nagtatago.
Hindi mo alam kung ano ang gagawin.
Matutulog ka na lang ba hanggang ikaw ay langawin?
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Wala kang regalong natatanggap. Hindi ka naman importante para makatanggap.
Eh ikaw ba?naisip mo ba yan kahit na mag panggap?
Gago ka pala eh, nagpakasarap ka nung una ngayon ikaw ay maghirap.
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Kinakausap mo na ang ipis.
Sinisipa mo na pati ang langgam.
Pinapauwi mo sa kanilang bahay ang butiki.
At tanghaling tapat eh naghahanap ka ng paniki.
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Yung taong gusto mo.
Ginagawa mo lahat makuha mo sya ng buong-buo.
Pero wala kang karapatan.
Kasi hindi naman sya sayo.
Wala kang ibang kasama.
Wala.
Kaarawan mo na.
Masaya ka ba?
Ok lang yan.
Ganyan talaga.
Wala kang ibang kasama.
Kundi kumot, unan at kama.
Kaya matulog ka na lang at hintayin ang umaga.
May muta ka ng kasama.